August 8, 2007...9:53 am

Magnifying glaSS

Jump to Comments

I’ve started this week being busy with work and observing people.  Ngaun lang kasi kami naging busy sa work, dati hindi masyado.

Sa work dahil pumasok ako nung monday kahit off namin. Ngpakabayani ako ng 10 oras sa trabaho dahil tumulong ako sa trabaho ng iba halos iniwan na nga ako ng 2 kasama ko na naging instant friends ko.  Naging masaya ako kasama sila at ganun din sila, hindi ko akalain na chikadora din pala ang mga gurlash.  Noong una, halos hindi kami nila pinapansin dahil na rin sa nature ng work namin na halos walang imikan at nakatutok lang sa harap ng pc, hindi ko akalain na masaya din pala silang kasama na halos isang buwan na hindi ko pa sila nkakausap. 

  window-girl.jpg

Napagusapan namin ung mga tao na labas-pasok sa aming pantry at meron pa silang code name sa president ng company namin.  Roderick ang tawag nla dun ksi naman my hawig talaga kay Roderick Paulate na kasama ang mga elites na mayayaman sa chicha. 

   w2.jpg

Ang mga elites na eto ay composed of 4 girls na puro mhilig s pagkain at kung manamit ay parang my pupuntahan na party.  Maiingay sila pag nasa pantry, puro pagkain ang pinaguusapan.  Sabi pa ng isa e mgdadiet na daw sya pero 2 slices of egg pie namn ang kinain for her dessert.  I mean, okay lang naman ang 2 slices of egg piece kaya lang, you know, d nya naisip ang fattening properties ng egg kng gusto nya talagang mgdiet.

Nasabi nila sa akin na maraming stock ng chicha ang mga elites at puro pa mga imported junks.  Naisipan tuloy namin na dumaan minsan sa station nila at dumampot ng kahit kapiraso lang tutal hindi naman nila mhalata sa sobrang dami. wicked!

Anyway, naalala ko ulit ang dati ko pang naisip.  This is what I observed lang naman sa iba, particularly sa girls.  Maliban sa mga ngsasabi na mataba daw sila pero ang payat2 naman, ano bah?  Bulag ba sila or nagiging OA lng? kumakate tuloy tenga ko. 

girl.jpg

Ang ngpapakate ngaun sa tenga ko is dun sa mga super conscious sa kanilang figure na nagsasabi na gustong gusto daw nilang tumaba pero takot ding namang maging fatty acid.  Konting kain lang e, “ay tumaba na ko”.  anuu ba talaga tita?  Nacoconfuse tuloy ako sa kanila.  Isa na namang kaartehan yan sa paningin ng mga titos sa ating mga titas yan..kaya hanggang kayang kontrolin ang pag-iinarte, kontrolin. Okay, inhale….exhale…. ;)

22 Comments


Leave a Reply